Thank God. I feel so blessed. :)
Sa isang article na naipost ko noon, tinanong ng professor ko, "sure na ba kayo next sem?". Which implies, kaya niyo pa ba magpatuloy from Financial Accounting 1 (FINAC1) to FINAC2. Sabi ko sa article na yun, challenge accepted. Sa kagustuhan kong maging CPA, syempre magpapatuloy ako. At heto na nga nangyari sa Finac2 ko..
Lahat ng Finac2 Quizzes ko pinagpray ko at pumasa ako.
May isang quiz nga lang na nagtiwala ako sa sarili ko at nagkulang sa prayer, ayun Bumagsak ako.
Lesson learned: Kahit gaano ka pa ka'confident sa sarili mo, hindi mo kakayanin mag-isa yan. Always ask God's presence and guidance.
At sa huling quiz problem (pre-exam test), feel ko babagsak ako dahil gulong-gulo ako sa chapters. Nagreview nman akong mabuti, at nagpray kay God na Gabayan nya ko ng maigi dahil alam ko di sapat ang nareview at naintindihan ko. Sabi ko pa, kahit yung sapat na Score lang.
At ayun, pumasa ako sa Quiz prob. So blessed. Out of 65 items YATA yun, 33 ang check ko. Just enough na nakalahati ko.
Kung nahihirapan ka kahit nag-aral ka naman ng mabuti, sabayan mo ng panalangin para maganda ang bunga ng paghihirap mo.
Dati din akong puro bagsak ang Quizzes noong Finac1, at dun lalo tumibay ang pananalig ko kay God. Nang ipagpanalangin ko ang pag-aaral ko, ayun, puro magandang bunga na ang scores ko.
Gabi-gabi ako nagrereview. Bawat umaga bago pumasok ng school, pumupunta akong church to pray. Di ko masasabing matalino na ako. Masipag lang ako, sumunod ako sa payo ng Prof ko. Pinaghirapan ko makamit ang grade na meron ako.
At dahil kasama ko naman si God, di ko na kailangan dayain ang scores ko. Mayroong iba na nandadaya eh.
Sabi nga nila, "It's not the grades that defines who you are."
Para sakin, "It is How you got your grades that defines who you are."
And that's you.
Noon, tanong ng prof ko, "Sure na ba kayo next sem?" Ngayon, ang sabi ng professor ko, "Hindi ko na kayo mapipigilan maging 3rd year."
We survived. Ang sinasabi nilang pinakamahirap sa kursong Accountancy ay nalagpasan na namin. Panibagong pagsubok na ang kakaharapin namin niyan. :)
Thank You God for this challenging experience. May you keep me in your church and let me go out spreading the faithfulness to you, my Lord. Be with me in my next semesters and I shall pass them all and achieve my dream, the dream you gave me which is to be a Certified Public Accountant. :)
No comments:
Post a Comment