May nabasa ako..
"Paano kayo natulungan ng teachers ninyo maging kung sino ka ngayon?"
After ko mabasa ang tanong, isang prof kagad ang pumasok sa isip ko.
Si Mr. Amelito dela Cruz.
Siya ang prof na hindi ko talaga mkkalimutan. Hindi lang ako basta natuto sa kanya, nainspire din ako, na-motivate, naging mas determined, at naging masipag sa pag-aaral. Na-challenge din ako sa way ng pagtuturo niya, kaya mas sinipag akong mag-aral.
Siguro kung hindi siya naging prof ko, wala ako sa #A331 sa batch namin. Siguro din hindi ako naging top ng Qualifying exam sa subject(FinancialAccounting1&2) na tinuro niya samin. Siguro, may pagka-tamad pa rin ako mag-aral.
Pero dahil kay Sir, gusto kong mtapos ang kurso ko. Gusto ko nga din i-TOP pati Board Exam eh, kung papalarin. :)
Napakalaki ng naitulong niya sa amin, sa akin. Malaki din ang pasasalamat ko kay Sir.
Pero ang Most valued lesson na natutunan ko sa kanya:
Si Sir yung tipong mababa magbigay ng Grade. Pero magaling siyang magturo.
Implicitly, it shows that wag ka masyado maghabol sa grades, ang importante natututo ka.
Salute to all teachers out there. :)
No comments:
Post a Comment