Saturday, April 19, 2014

Kakayanin

Heto yung panahon na halos mabaliw ako, yung iniisip ko parati na baka hindi ako makapasa, baka bumagsak ako kahit nag-aral naman ako at baka ano kaya mangyari sakin pag di ako pumasa.

Panahon na naman ng Qualifying exam sa kurso namin. Bakit ba kasi every summer eh parating may qualifying exam, normally kapag mag-graduate na dun palang magkakaroon ng ganito. Heto tuloy ako medyo nababaliw na sa kakaisip. Although alam ko overthinking lang naman at pinoproblema ko ang isang bagay na di naman nag-eexist - ang failure ko.

Nangangamba lang naman kasi ako eh, baka bumagsak.

Last summer, yung qualifying exam namin isa ako sa nakaabot sa matataas na scores sa isang subject. Ayun lumakas ang tiwala ko na kakayanin ko maka-graduate sa 5-year course at tumaas pa ang pangarap ko na mag-Top sa mismong board exam. Oo, pangarap ko maging topnotcher sa board exam kahit alam kong mahirap.

Pumasa naman pala ako noon, nag-top pa. Anong pinoproblema ko at dinadrama ko pa dito? Eh kasi noon dalawang exams lang, yung isa basic pa. Eh ngayon iba ibang field na ng accounting ang pagtetest at medyo nahihirapan ako.

Sa mga oras na to, nakapag-review na ko sa lahat ng subjects na yon. Exam na lang ang hinihintay ko. Kagad ako natapos sa review at nagpahinga ako ng dalawang araw. At sa araw na to nagreview na naman ako, pero habang nagsasagot ako eh pumapasok sa isip ko ang probability na di ako makapasa.

Pero alam ko naman overthinking lang ito.

Kung pagbabasehan ang exams ko during the semesters, mataas naman mga scores ko. Yun nga lang syempre ilang subjects lang ang focus sa sem. Sa quali eh lahat.

May tiwala naman ako sa sarili ko. Alam ko maipapasa ko. Sana nga lang hindi overconfidence ito. Wag naman sana masayang yung mga araw na nagreview ako, 3weeks din yun ah.

So anong pinaglalaban ko dito? Alam ko naman palang papasa ako?

Wala lang. gusto ko lang ilagay ang naiisip ko. Sana maiwan na sa post na ito lahat ng pangamba ko pansamantala. Sana sa exam na. Maisip ko eh papasa ako. :)

Kung mabasa mo man ito, until April 23. Please pray for me na makapasa ako sa exam. Bonus na yung magTop. Salamat ah :) Kakayanin!

No comments: