Sa Luzon, Visayas, at Mindanao
Mayroong wikang nangingibabaw
Ang lakas na taglay ng wikang Filipino
May ilaw na dulot sa mga Pilipino.
Sa ating wika’y kaya nating ibigkas
Ang magtutuwid sa ating landas
Kaya nating lakarin ang lahat ng daan
Kung ang wika’y saplot sa ating paahan.
Ang Filipino ay naging tulay
Saling lahi ay tumitibay
Mga Pilipino’y nagkakaisa
Sa tatahaking landas, sama-sama
Ang ilaw na magpapaliwanag
Ang lakas na magpapatatag
Hawak natin yan sa ating landas
Wika ang gagabay sa atin bukas
Ako ay nanalangin sa Panginoon
Nawa’y mapabuti ang buhay ngayon
Natupad na pala ang aking kahilingan
Nang ikumpara ko ang buhay sa nakaraan.
My audition winning piece for Buwan ng Wika 2011 ..
No comments:
Post a Comment