Tuesday, October 14, 2014

Boom Casoy! SUGOI!!!

Una sa lahat, magready ka na ng tissue. Pero hindi ka iiyak ah.. Baka kasi sumakit tiyan mo sa sobrang haba nitong article eh. Maglabas ka muna. HAHAHA. Seryoso ako kuha ka na ng tissue.

To start, I never expected to have a friend with more than ONE HUNDRED THOUSAND MESSAGES in the conversation thread. But I am expecting more messages, links, pictures, videos, kpop stuffs, jeje stuffs, chicser stuffs, other stuffs, hearts, stickers, foods to come. :)

Una tayong nag-usap, sa Facebook. Madalas tayong magkausap, sa Facebook din. Naging close tayo, sa Facebook din. Ano kaya nangyari kung wala ang Facebook no? Hahaha pero buti na lang talaga nandyan ang Facebook dahil naging kaibigan kita. Ako yung tipong madaldal na gusto lagi ng kausap, buti na lang nakilala kita, pasensya na kung lagi kitang nadadaldalan pati mga sikreto ko naidaldal ko na sayo. Hahahahaha. Salamat sa Facebook. :D

Now, let's talk about purpose in life. Kung naiisip mo minsan, lalo na kapag naddepress ka, na hindi mo alam ang purpose in life mo, bigyan kita ng isang bagay na pwede mong isipin para mawala na ang lungkot mo. Napakaimportante nito. Nang dahil sayo, naging kaibigan ko kayo. Naging close friend kami ni Hannah dahil pinadala mo sakin yung Maxx candy, napasama ako sa circle of friends mo in which hindi naman talaga ako part noong magkaklase pa tayo. Akalain mo friends pa kami ni Teng kahit di man ako masyado kinakausap hahahahahhahahahaha. Nabuo din ang Teng Agency, hindi naman dahil kay Teng, kundi sayo. Pag naiisip ko pano nangyaring biglang kayo na ang circle of friends ko, kahit saang anggulo tingnan, ikaw ang dahilan. Salamat. :)

To add, paano nalang kung hindi tayo naging close nung third year na tayo? Mag-isa ako sa section namin. At buong taon, hindi ko man sila naging circle of friends dahil bago pa ko dumating sa section na yun eh magkakatropa na sila. Maliban na lang kay Syril na loner din. HAHAHA. If not for you, siguro loner na rin ako. Although friendly ako, madaming kaibigan, sikat (ahahhaah), eh iba pa rin yung may maaasahan at mapagkakatiwalaang kaibigan.

Sa mga sinabi kong hart hart ko, wag mo pagsabi ah, hahahaha ako na lang magkakalat ng hart harts ko. Di ko naman ikinakaila na madami sila lol. Lahat yata nasabi ko na sayo eh. From gradeschool hanggang kay koreana seoulmate. Wala pa akong makitang kasunod eh, pero ikaw na unang makakaalam nun sige. Benefit of being my friend, pwede mo na akong ibalita sa dyaryo at sa media. LOL. Gusto mo ng clue? :D Abangan mo magpapapresscon ako. LOL Feeling artista talaga eh ahhahahaha. Pero para fair. Ireveal din natin yung sayo. Papicture kayo ni Pugo. Hehehehe

This is so unlikely of me. Hahaha.

Di ko alam pano ko pa papahabain to kasing haba ng conversation threads natin eh. Tatapusin ko na dito yung article na to.

Basta thank you very much for being my friend. Don't worry, kung naddepress ka, you can always talk to me, kahit anong sabihin mo, ang importante eh may masabihan ka dahil mas kailangan mo yun. Oo nga pala, malamang hindi ko alam pero pasensya na kung may mga nasasabi man ako na di mo gusto pag kausap mo ko. HAHAHA straight ako magsalita, sinasabi ko gusto kong sabihin. Alam mo yan :D

Kamsa hamnida! Saengil chukha hamnida! :D FIGHTING! :)
PS. Tumutugtog yung Ordinary Song ni Wang habang ginagawa ko to. :D So alam mo na kelan ko ginawa to? :D

No comments: