Thursday, October 18, 2012

Torpe

Torpe - Ano nga ba ang torpe? Sino ba ang torpe? Bakit may torpe?

Ang isang tao ay tinatawag na torpe kapag mayroon siyang pag-ibig na nararamdaman ngunit hindi naman niya masabi sa taong mahal niya. Lingid sa kaalaman ng lahat, parehong nakakaramdam ng pagkatorpe ang lalake at maging mga babae. Natural kasi ang magtapat sa mga lalaki kaya nahahalata ang pagiging torpe, sa mga babae ay hindi natural ang pagtatapat ng nararamdaman kaya hindi halata ang pagiging torpe.

Nagiging torpe ang mga tao, lalo na mga lalaki, dahil sa madaming dahilan. May iba't ibang sitwasyon kaya nagiging torpe ang mga lalaki. Hindi kaya madali ang magtapat, kailangan ng timing at lakas ng loob. Bakit may torpe? Dahil hindi allowed ang pag-ibig sa lahat ng pagkakataon.

"Kung sino pa ang nahihiyang maghayag ng nararamdaman, siya pa ang may tunay na nararamdaman."

Yung mga lalaking malakas nga ang loob sa pagsabi ng nararamdaman sa babae, eh hindi naman talaga in love. Yung feeling na gusto lang magka-girlfriend. Hindi nga torpe, hindi naman din marunong magmahal. Mga lalaking madaming kayang sabihin sa babae, hindi naman mula sa puso. Matinik nga sa babae, malambot naman ang bones.

Yung mga torpe, hindi man umamin sa minamahal nila, totoo naman ang pagiging concern sa babae. Minsan sila pa ang kasama ng babae kapag sinaktan ng mga boyfriend nila.

"Nakatago man ang salita, ipinapakita naman. Hindi na mapigilan eh, kusa na ang katawan para ipakita ang nararamadaman. But, action speaks louder, the words still make it clearer."

Meron din naman mga lalaki na natotorpe, hindi na makapagsalita, hindi pa makalapit. Naku, wala ng chance yan. Kung pag-ibig nga yan, inaasahan nang maibabaon yan.

Mayroong sitwasyon na torpe ang lalaki, hindi dahil sa takot magsalita, pero dahil naipit sa sitwasyon.

Torpe ang lalaki, kapag alam niyang ang karibal ay mas lamang sa kanya sa porma.
Torpe ang lalaki, kapag may crush na ibang lalaki ang babae.
Torpe ang lalaki, kapag may boyfriend na ang lalaki. Syempre nga naman ayaw na gumitna.
Torpe ang lalaki, dahil alam niyang hindi pa yon ang tamang oras.
Torpe ang lalaki, dahil hindi siya sigurado kung mag boyfriend o wala ang babae.
Torpe ang lalaki, dahil ayaw niyang sirain ang pag-aaral ng babae.
Torpe ang lalaki, baka takot nang masaktan muli.
Madami pang rason ang pagiging torpe ng lalaki.

Meron pang iba na uunahin muna ang pag-aaral para kapag nagtapat siya sa babae eh successful na siya.
Yung iba, umaasa sa destiny. Kung sila talaga, masasabi din niya.

Buti pa nga mga torpe, nasasaktan eh. Ang ibang lalaki kapag nawalan ng minamahal, wala man pakialam.

Mga girls, huwag niyo din maliitin ang mga lalaking torpe, hindi madali ang maging torpe. Mahirap, nasasaktan din ang mga torpe kahit hindi pa man nagiging kayo. Selos lagi ang kasama ng mga torpe. Mahirap din magpretend na hindi kayo mahal, minsan di nila alam kung dapat kayong lapitan o layuan. Ang mga torpe ay may puso, kaya tunay kung magmahal.

"Kapag naubos ang mga torpe, malamang senyales yan na madami ng manloloko." Kaya mas okay pa rin ang mga torpe kaysa sa mga manloloko.

Pero, payo lang mga torpe. Walang mangyayari kung di niyo sasabihin. Tapatin mo siya, kung gusto niya, ligawan mo. Kung ayaw, atlis nasabi mo. Mas mapapanatag ka pa nun. Diba?

Lahat ng tao, pwedeng magmahal, basta tunay ang nararamdaman.