Friday, October 19, 2012

Grades

Usapang grades naman tayo..

Ang mga estudyante, madalas sinasabi:

"Hindi GRADES ang magdidikta ng Kinabukasan ko!"

Nag-isip ba sila bago sabihin yon? Oh reaction lang nila kapag mababa grades nila?

Kung naniniwala kang walang magagawa ang grades sa kinabukasan mo, eh bakit ka pa nag-aral? Araw-araw ka pumapasok sa eskwela, tapos iisipin mo walang epekto ang grades mo? Tambayan mo siguro ang eskwela. Pero bakit ginagawa at tinatapos mo mga requirements, diba para umangat ang grades?

Kahit ano man ang sabihin natin, sa pagpasok sa eskwela ay kasama na ang pagkuha ng GRADES. Bago mo makuha ang diploma, kailangan maipasa mo muna ang grades requirements. Grades pa rin. Katunayan, ang buong taon o buong semester mo sa pag-aaral, nagrereflect sa grades mo.

Kung hindi grades ang magdidikta sa Kinabukasan ng tao, bakit napakaraming tao ang gustong mag-aral? Madaming gustong makapag-aral para magkaroon ng Diploma at magkaroon ng magandang trabaho at maluwag na pamumuhay.

Isang malaking issue sa bawat bansa kapag maraming mamamayan o mga bata ang hindi makapag-aral. Bibigyang pansin pa ba yan kung hindi grades ang magdidikta ng kinabukasan, hindi. Kaya sa bawat batang pumapasok, pag-iigihan nilang mag-aral para sa Grades.

Bakit ang isang Scholar? Lalo na mga scholar na hindi makapag-aral kung walang scholarship. Ang mga yan, nag-aaral ng mabuti at maigi para tumaas ang grades, maipagpatuloy ang pag-aaral, makatapos, magkaroon ng diploma, makapagtrabaho sa kinuhang propesyon. Grades pa rin.

Grades are just numbers as we say, but these numbers are critical, this can make a difference in your future.

Kaya mga kapwa ko estudyante, pag-igihan ang pag-aaral, Grades can define our future.

Sabihin na nating mayroong mayayaman at matagumpay na hindi man nakatapos ng pag-aaral, eh sila may talino at talento kaya sila naging matagumpay.

Oo. Meron nga tayong talino, pero tiyak mo ba na sa talino na yan, magiging matagumpay ka na? Huwag pakasisiguro. Kaya mabuti pa ay mag-aral ng maayos sa paaralan para sa Grades.

Ito ah, para sakin lang:

Nag-aaral tayo para magbigay kasiguraduhan sa gugustuhin nating propesyon, kung makatapos man tayo. Kung hindi naman, doon, doon mo na magagamit ang talento at talino mo para maging matagumpay pa rin.

BUT!
One thing is certain about GRADES.

Grades can never define who we are as a person. :)

2 comments:

Filipino_Skin-101 said...

para xa akin d naman tlga grades ang magdi2kta ng kinabukasan ng isang tao
kc d naman naxu2kat ang talino at performance ng isang tao dahl xa grade

ZHAB said...

Thanks for reading and for your comment :))
Pero grades ang requirement para pumasa tayo. So, importante pa rin :)
Ang talino at talent natin just go beyond grades, yun ang punto ko :)

Thanks again and enjoy reading other articles if you come back :))