Friday, November 30, 2012

Ang Pananaw Ko At Ang Pera

Kung sino man ako ngayon, kung ano man ang ugali ko, kung ano man ang meron ako ngayon. Masasabi kong isang dahilan sa nangyari sa akin ay ang Pera. Ang pera ay kayang palitawin ang ugali ng isang tao, either maging masama o mabuti.

Kung mahirap ka, pwede kang magnakaw upang maging masama, or maging simpleng tao na lang at maging mabuti. Kung mayaman ka, pwede kang maging gahaman upang maging masama, or maging mapagbigay at matulungin para maging mabuti. Mahirap ka man o mayaman, iba-iba ang pwedeng gawin sayo ng pera.

Dahil wise naman ako, hindi nakontrol ng pera ang utak ko.. Ako ang kumokontrol sa pera. Masasabi kong naging mabuting tao ako ng dahil sa pera.

Hindi ako mahirap, hindi din ako mayaman. Nasa katamtaman ang estado ng buhay namin. Nakakahawak din naman ako ng malaking halaga ng pera. Minsan, halos wala naman akong pambili sa tindahan.

Naaalala ko pa, noong Grade 3 ako, binigyan ako ng 88 Pesos ng Papa ko, lahat ng yan ay barya na galing sa bulsa ng pantalon ng tatay ko. Ang 88 Pesos na yan ay binigay niya noong Birthday ko. Yan lang ang pera niya sa bulsa ay binigay pa niya sa akin. Eh nasa estado kami ng kahirapan noon eh. Pero masayang masaya ako sa nangyaring iyon. Napatunayan lang kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko.

Isama pa natin noong 1st Year High School ako, binigay sakin ay 20 Pesos lang. Birthday ko noong bingyan ako ng 20 Pesos bilang baon ko. Samantalang 70 Pesos ang normal daily allowance ko. Masaya pa rin ako nung araw na yun. Dahil alam ko nahihirapan ang pamilya ko sa akin dahil nag-aaral ako sa isang Private School. Mahal ang binabayad nila sa tuition ko kahit pa may 5000 Pesos scholarship grant ako. Malaking halaga ng pera ang ibinabayad nila sa eskwela, kaya okay lang sa akin kahit magkano lang ibinigay nila sa mismong kaarawan ko.

Isang espesyal na araw yun sa akin, pero maliit na halaga lang ang binigay sa akin. Ganun ko naisip ang halaga ng pera. Hindi kailangan ng malaking halaga ng pera para maging masaya ako. Ang maliit na halaga ng pera ang nagbigay sakin ng realizations kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko. Ang perang binigay nila sa akin, binuksan nito ang kaisipan ko sa kabutihan ng mundo.

I learned to appreciate the things I have. I can't ask for more, I'm just letting the blessings flow into me.

Kung pipiliin ko ang isang magarang pamumuhay, siguro expect ko kapag birthday ko eh bigyan ako ng malaking halaga ng pera, yun ang expectations ko. At kung sakaling ang binigay sa akin eh 20Pesos lang, edi magagalit pa ko sa pamilya ko. Maghihingi pa ko kahit wala na silang pera. Baka hindi ko na maisip kung ano na ang naibigay nila sa akin na makapag-aral sa magandang paaralan.

Kaya pinili ko ang simpleng pamumuhay sa buhay ko. Simple lang, wala masyadong demands. Hinahayaan ko na lang na blessings and opportunities ang pumunta sa akin. Yan ang ugaling idinala sa akin ng Pera.

Simple akong mamuhay, mabuti din akong tao. Pera ang naging paraan para maging mabuting tao ako.

Isang ugali pa na dulot sa akin ng pera. Tiwala. Ang mga tao ay napagkakatiwalaan ako pagdating sa pera. Ang tatay ko pinapahawak ako ng napakalaking halaga ng pera. Sa klase, ginawa akong tagahawak ng pera ng klase. Hindi ako napagbibintangan tuwing nagkakawalaan ng pera.

Ang pagtitiwala pagdating sa pera ay mahirap para sa ibang tao. Pero ang mga tao may tiwala sa akin.

Pera ang dahilan kaya ang mga tao ay may tiwala sa akin pagdating sa pera.

Sana lahat ng tao ay alam kung paano gamitin ang pera. Tulad ko, naging mabuting tao ako. Sana ang buong mundo ay naiisip kung ano ang naiisip ko. :)

Friendship Over Love

I

One day, there is this couple walking around the park, holding each other's hands while walking, talking about how far their relationship had been and reminiscing every moment they struggled.
Until, they found a chair and sit there, they wanted to have confessions if something is wrong with their relationship.

So, the boy first confessed. Boyfriend said, " You know, there's nothing else wrong aside from this thing. I'm just a little jealous. In the last few days, I noticed you and my Bestfriend became close to each other. Well, you know, he's my Bestfriend and I don't wanna think to think of this but I just can't avoid. I really love you. I can't lose you."

The girlfriend said, "Since this is a confession, I guess I should tell you now. I love your Bestfriend. Well, I love you, but I love your Bestfriend too. Then I weigh in, I am more happy when your Bestfriend is around. I love your Bestfriend, I'm sorry. Will you set me free?"

The boyfriend is frowning, but then he asked, "Why of all people aside me, why did you fell with my Bestfriend? Can't you just love other man aside from him? It's kinda awkward for us, you know"

Girlfriend seems guilty, but she still continues to end their relationship. She said, "Well, my heart tells me it is your Bestfriend that I love. I really felt you love me, but I'm not that happy. I just can't cheat with you so I'm ending this relationship now.  I love you, Goodbye." Girlfriend walked away.

Boyfriend run and continued the conversation, they sat again in the chair.

Boyfriend said, "Don't walk away. We just can't end it like this. Well, I love you, but it won't work if I'm just the one loving. So, though it hurts, I'm setting you free. I love you, Goodbye." Boyfriend hugged Girlfriend. "My Bestfriend loves you too, I'll tell him that we broke up. Actually, he loves you first, he just knew I love you too that's why my Bestfriend let me court you. I am grateful now that you fell in love with him, because I know my Bestfriend can take care of you and he will love you more than I can do", the boyfriend added.

The girlfriend was teary-eyed, she hugged his ex-Boyfriend very tight. Tried to kiss Boyfriend but the guy refused. They walked towards opposite ways.

II

ex-Boyfriend found his Bestfriend and met halfway. They talked about the break-up thing. Bestfriend noticed the frown face of ex-Boyfriend.

Bestfriend asked, "What happened? What's wrong dude?"

Boyfriend tapped the shoulder of his Bestfriend. "Dude, we're done. It didn't worked out, she loves you. Maybe the two of you are meant for each other. I tried, I did my best, but I can't force myself to change what's meant. Dude, go on. I'll just need some time to move on. Don't worry about me. You can have her."

Bestfriend drove the car of ex-Boyfriend, Bestfriend carried ex-Boyfriend to his house. Then, Bestfriend walked home. Suddenly...

ex-Girlfriend went to Besfriend's house. ex-Girlfriend walked towards Bestfriend and said, "I love you, I know you loved me too as my ex-Boyfriend said to me. It's you that I love, me and my ex-boyfriend are done. He wanted me to be with you, because he knows I'll be happy with you.

Bestfriend responded, "You know, at the time I gave up on you for ex-Boyfriend, that's the time I chose Friendship over Love. I'm sorry, I just can't be with you. One more, it's awkward that people will see us together while in fact, my bestfriend was once yours." Bestfriend suddenly walked into his home.

ex-Girlfriend was shocked. She was left speechless, nothing to say of what happened. She was walking away, crying.

III

The next day, Bestfriend visited ex-boyfriend on his house. Unfortunately, the car of ex-Boyfriend wan't there and no one knows where's he. Bestfriend got worried, he tried to find ex-Boyfriend anywhere, he went to places they usually go.

ex-Boyfriend was in a disco bar, there is where Bestfriend found him. They talked in the table in a private room.

"Dude? How are you? Why are you so drunk? You said time will heal you. Why did you do that?" Bestfriend said.

ex-Boyfriend said, "Dude, this is the last time I'll feel the pain. Let me do what I want to do. How are you with her?"

Bestfriend smile and said, "Come on dude! I won't let that happen. You're my friend, I just can't get her from you. Come with me, together let's find our girlfriend tonight. Faster!"

Bestfriend and ex-Boyfriend partied at the disco. They had fun during the night and mingled with the party people. Until they went home very happy. They're like kids who got tired of having fun during the day and going home still friends.

The Search For The Next Zoren Legazpi

Noong napanood ng mga Kababaihan ang Kasal ni Zoren at Carmina, siguradong kilig na kilig sila sa effort na ginawa ni Zoren para sa Kasal na iyon. Ginawa niya ang lahat para sa isang sorpresa para sa taong kanyang minamahal. NapakaSweet nga naman. Madami ang natuwa dahil mayroon pa daw mga lalaking sweet, ibig sabihin ay parang rare na ang mga lalaking tulad ni Zoren Legazpi.

Kaya ngayon, madaming kababaihan ang naghahangad na dumating sa kanila ang isang prinsipe na magpapakita ng tunay na pagmamahal. Isang lalaking kagaya ni Zoren Legazpi. At heto na nga, The Search For The Next Zoren Legazpi!

Una syempre, Qualifications na gusto ng mga babae. Kumbaga "Ideal Man". (No Ranking)
1. May Tunay Na Pagmamahal
2. Syempre, laging nag-eEffort
3. May Hilig sa Sorpresa
4. Maibibigay ang Kasal na Hinahangad ng Bawat Tao
5. May Paninindigan
6. Makakasama Habang Buhay
7. Gwapo

Sabihin na natin meron lahat ng yan si Zoren Legazpi, hindi natin masasabi na pati ang mga lalaking nakatakda sa inyo ay mayroon lahat ng yan. So, lagyan natin ng remarks ang Qualifications.

1. Ang lalaki, kailangan bago mo sagutin at maging karelasyon, kailangan padaanin mo sa pagsubok na tinatawag na Panliligaw. Kapag naging masaya ka sa kanyang panunuyo, sagutin mo. Kapag magkarelasyon na kayo, mas matinding pagsubok ang para sa lalaki at para sa babae din, kailangan pareho niyong ma-survive ang pagsubok. Diyan lilitaw ang tunay na pagmamahal ng lalaki, yung halos nasa Break-Up na kayo pero iniligtas niya parin ang relasyon niyo. Mahal ka niyan. Qualified yan.

2. Effort. Laging hinahanap yan ng babae sa isang lalaki. Ang lalaki dapat may initiative na gawin ang mga bagay na ikasasaya ng babaeng minamahal niya. Ang bawat unforgettable moments ng magkasintahan ay nag-uumpisa sa effort ng isang lalaki. Ang lalaki na mag-eexert ng effort para sa relasyon nilang magkasintahan. Qualified yan.

3. Sorpresa. Katulad ng Surprise Marriage ni Zoren kay Carmina. Pero madaming klase ng sorpresa, hindi man bongga ay siguradong worth it naman. Ang lalaking laging nag-iisip ng sorpresa para sa kanyang minamahal, gumagawa ng paraan para hindi maging boring ang relasyon niyo. Isang simbolo yan ng pagmamahal. Pero girls, you must appreciate. Yun ang hangad ng lalaki sa bawat sorpresa niya para sayo, at asahan mo kapag naappreciate mo, uulit-ulitin niya. Yung masosorpresa ka kapag ipinakita niyang mahal na mahal ka niya. Qualified yan.

4. Kasal. Hinahangad ng bawat tao ang maikasal sa simbahan o sa huwes. Lahat ng babae pinapangarap yan, ang makahanap ng prinsipe na dadalhin siya sa altar para sumumpa ng pagmamahalan. Alam niyo girls, kapag ang lalaki naman ang nakaisip na pakasalan kayo, isang senyales yun na natatangi kang babae na nais niyang makasama at mahalin habambuhay. Kapag ang lalaki, gusto kang pakasalan, seryoso yan. Ang lalaking handang sumumpa na iingatan ka at mamahalin ka habambuhay. Qualified yan.

5. Ang lalaki dapat may paninindigan, dahil kaakibat ng pag-ibig niya sayo ay isang responsibilidad na pangangalagaan ka at papaligayahin ka. Ang lalaki, papanindigan niya na maging Asawa, maging Ama ng mga magiging anak niyo at syempre maging Anak din sa magulang ng mga babae.

Sa kaso ni Zoren Legazpi, nauna ang pagkakaroon ng anak pero pinakasalan niya si Carmina sa huli. Girls, kapag hahanap kayo ng Zoren niyo, mag-ingat kayo at kilatisin niyo. Baka ang pakay niya sayo ay magkaroon kayo ng anak, pero hindi ka naman pakakasalan. Ingatan niyo ang pagkababae niyo dahil baka magsisi kayo. Isang napakaimportanteng Qualification yan.

Ang lalaki dapat panindigan ka niya. Qualified yan.

6. Ang lalaki, ang gusto talaga niyan ay ang may makasama habambuhay. Ipapakita niya sayo ang tunay na pagmamahal, mag-eeffort yan para sa relasyon niyo, gagawa ng sorpresa yan para patuloy ipakita ang pagmamahal niya, papakasalan ka at susumpa na mamahalin ka habambuhay, at paninindigan niya lahat ng bagay. Lahat ng yan ay para makasama ka habambuhay. Qualified yan.

7. Ang pagiging gwapo, bonus na lang yan. Dahil kapag ang lalaki, taglay ang mga unang 6 Qualifications, mamahalin na iyan ng babae. Sigurado yun. Meron man o walang kagwapuhan ang lalaki, magiging masaya na ang babae sa piling niya. Sabi nga nila, hindi naman nagtatagal ang kagwapuhan, kaya tiyak na sasaya ang babae kahit matanda na sila basta Qualified si lalaki.

Meron mga babae na pumipili dahil sa kagwapuhan, at karamihan, natatapos lang ang relasyon. Siguro dahil eh wala ang qualifications sa gwapong iyan. Suggestions para sa mga babae, pumili kayo sa pagkatao ng lalaki, hindi ka iiwan niyan. Gwapo man o hindi. Qualified yan.


Masasabi kong taglay lahat yan ni Zoren Legaspi, dahil bukod sa naisagawa niya ang mga yan sa kanyang asawa, eh halata naman kay Carmina kung gaano siya kasaya.

Ganyan ang taglay ng isang lalaking mamahalin ka.. Kung hindi man niya taglay ang iilan, basta taglay niya ang karamihan, Mahal ka niyan. Girls, tandaan niyo yan, huwag kayo basta basta pipili ng lalaki dahil kasalukuyan at kinabukasan niyo ang nakataya diyan, magiging masamang nakaraan pa yan.

Punta ka sa simbahan, manalangin sa Panginoon na ganyang klase ng lalaki ang ibibigay niya sayo. :)

Thursday, November 29, 2012

#WeddingLikeNoOther #BestSceneIHaveEverWatchedOnTV :)


The best scene I have ever seen on Television, like I am watching the last episode of a series with a happy ending, a wedding like no other, a true love in real life. The wedding of Zoren and Carmina Legaspi!

Honestly, it really is the best scene I have watched on TV. I don't really watch in televisions, but when I do, I make sure it's worth watching. Watching the wedding of Mr. and Mrs. Legaspi is really worth it. For a teenager like me, it is really advantage on my part to watch such a lovely wedding. The best reason is I can have an idea of how can I ever show my beloved someone how much I love her. An idea of making a wedding like no other.

The process of the setup for the wedding is extremely rough, a top secret mission for a very romantic celebration of love and marriage. How could a Zoren Legaspi did that knowing that his staff and allies are also known by or friends with Carmina. How could Zoren be so sweet to surprise Carmina with a proposal as well as marriage, the only thing they ever wanted to have for their family. How could Zoren who never thought can do that, is able to do everything for the woman he loves.How sweet for a guy to do everything for the woman he loves. And now, Zoren is an example of a man that every girl wants to meet and be with.

Let's start with Zoren's confessions. He confessed the things he had done for Carmina. From his courtship, into a boyfriend, into doing the sacred thing that husband and wife do, into dealing with having a family, into being a husband as well as father to twins. Everything is perfect. Although the hard times, if there are, were not shown, it is obvious that happiness and love is with them. I love that part when Zoren was interviewed while on the car.

Next, the process of setting a secret mission but known by many people. Zoren made a secret mission, a proposal and marriage for the woman he loves, a wedding like no other for Carmina. But, a lot of people know about this secret mission because they are all allies, or coordinators as well, of Zoren to put up such a wonderful wedding. Zoren made a personal talk to those people just to make it a secret. He was able to execute such private phone calls and busy actions without Carmina noticing it. Zoren could have been a good chickboy, but he chose to be a dedicated husband for Carmina. How sweet.

Zoren is pressured of everything, but he assures that everything will be fine. He even planned everything for the wedding, his coordinators are just helping hands of the setting. He is open for suggestions, just like when it was suggested to him to come up with a cherry blossom tree. Zoren wanted to propose to Carmina under a cherry blossom tree in Japan, but it's quite impossible in the secret mission so Zoren accepted the idea to produce a cherry blossom tree in the place. Zoren is open for everything that can make the most special event a very successful, a very romantic, a very special one.

On the wedding proper, I had fun watching when there's the quarrel between Zoren and the choreographer. Carmina is a little worried with the fight but she's a lot stress-free with what's going on. Kapag may problema , sabihin lang: Basta Ako, I'm Pretty! :)) Well it may not fit for the event, it's a very strategic part because it made Zoren walkout in the room and to fix himself and prepare for the main proper or the wedding! Also, it became the entrance of Carmina to the hall where the event takes place. I really like it.

The wedding as a whole is very awesome! But, the best part I love about it was when Zoren asked for apologies to his wife's father. In the moment that Zoren will get Carmina's hand from Carmina's Father, Zoren talked of asking apologies about him having a late marriage with Carmina. Zoren also apologized because the children came first before the wedding. Zoren asks for the forgiveness of Carmina's father before Zoren and Carmina will have their marriage. Zoren also said that he told Carmina's father to have a long life, because Zoren wanted Carmina's father to witness the marriage of the couple. I don't know the exact adjectives to explain that, but I really appreciate that. Not all man can do what Zoren did, but Zoren had the courage to say it in front of teh crowd before the marriage proper. Awesome!

These makes the Zoren-Carmina Legaspi Wedding a #WeddingLikeNoOther and the #BestSceneIHaveEverWatchedOnTV :)




Spaghetti?

Ang Pagkain. Bow.

SPAGHETTI - kinikilala ng mga tao na isang putahe ito na niluluto sa mga handaan, kadalasang kinakain din natin sa iba't ibang lugar at kaganapan. Kinakain ito sa mga fastfood chains, or restaurants, pati sa mga bahay tuwing may handaan. Niluluto ito kapag may birthday, tuwing pasko o iba pang kaganapan.

Marami din iba't ibang recipe ang mga tao sa pagluluto ng Spaghetti. Natikman ko na ang Spaghetti na lutong Italian, American, at syempre lutong Pilipino. Napakaraming pwedeng variety sa pagluluto ng spaghetti.

Pero isang Spaghetti na tumatak sa akin ay ang Spaghetti na nilagyan ng Sardinas (canned good). Ang larawan sa ibaba ay kinunan ko noong nagluto ako ng Sardines Spaghetti. Hindi ko alam kung may iba nang nakadiskubre nito, pero ako ito ang niluluto ko. Honestly, ito lang alam kong lutuin, at kaya itong lutuin ng kahit sino dahil napakadali lang.

Ingredients:
175 grams Pasta Noodle
15 oz. Sardines (Canned Good)

Paano Lutuin:
Magpakulo ng tubig at lagyan ng kaunting cooking oil at asin.
Ilagay ang Pasta noodles na ginagamit sa Spaghetti.
Kapag malambot na ang noodles, alisin na ang tubig.
Ilagay ang Sardinas.
Haluin at pwede ng ihapag.

Makes 4-5 Servings.

Para sa mga hindi gaanong naeenjoy ang Spaghetti, maybe pwede niyo itong gawing alternative.



Simpleng Pamumuhay

Isang simpleng pamumuhay, iyon ang estado ng buhay na pinakagusto ko, kahit salat sa yaman ay nabubuhay naman ng maginhawa. Nakukuha ko man ang iilan sa mga gusto ko sa buhay, masaya naman akong namumuhay.

Simula nung mag-2nd Year College ako, ang araw-araw na routine ko ay napakasimple.

Gigising sa umaga > mag-aayos para sa pagpasok sa eskwela > magbibiyahe sa pagsakay sa Jeep > Magpupunta ng Simbahan para manalangin > Papasok sa eskwela > Mag-aaral > Dismissal > Diretso uwi sa bahay.

Napakasimple. Pero, kuntento ako sa pamumuhay na meron ako. Siguro, sinasabi ng iba na baka wala akong mga kaibigan dahil nga kagad akong umuuwi. Mali sila, dahil sa mga oras na nasa eskwela ako, sinusulit ko ang mga oras na kasama ko ang mga kaibigan ko. Simple lang, pero masaya naman.

Sa bahay, iilan lang mga ginagawa ko. Tumulong sa gawaing-bahay, mag-aral ng lessons na pinag-aralan, tulungan ang mga kapatid ko sa gawaing-eskwela nila, mag-internet maghapon at syempre matulog. Yun lang mga madalas kong ginagawa.

Sabi ko nga kanina eh nakukuha ko din ang iilan sa mga gusto ko. Nakakahawak ako ng pera, para sakin eh malaking halaga ng pera ang hawak ko. Iniipon ko lang lahat yan, dahil alam ko na dadating ang panahon na mangangailangan kami ng pera. Imbes na gastusin lahat, iipunin nalang. Bibili ako ng mga kailangan ko, at iilan na gusto ko. Pero mas madami ang naitatabi ko.

Sa halaga ng pera na hawak ko, pwede akong magliwaliw, bilhin lahat ng luho ko, o ubusin sa mga bagay na gusto ko. Pero hindi, mas pinapahalagahan ang ang kinabukasan ko kaysa sa kasulukuyang kagustuhan. Sa kabila ng lahat, simpleng buhay pa rin ang gusto ko.

Bakit ba? Bakit ba mas gusto kong maging simple?

Simple lang din ang sagot diyan. Dahil nabuhay ako sa simpleng pamumuhay, hindi porke umangat ang estado ng aming buhay, kailangan ko na din iangat ang sarili ko sa estadong iyon. Isa pa, kung pipiliin kong maging simple, kung sakaling maranasan ulit namin ang hirap ng buhay, hindi ako mahihirapan. Dahil sanay ako sa pamumuhay na mababa ang estado.

Sinubukan ko din naman maging masaya sa paggastos ng mga perang binibigay sakin at makuha ang mga materyal na bagay na gusto ko, pero, hindi ako masyado naging masaya. Hindi kasi ako materialistic na tao eh. Kaya pinagtutuunan ko ngayon ng pansin ang simpleng pamumuhay at maging mabuting tao sa kapwa tao.

Simple ang pamumuhay ko pero madami akong nagagawa at natutulungan. Kesa sa mga magagara ngang mamuhay, wala naman pakialam sa mga nangyayari sa paligid at sariling kagustuhan na lang ang iniisip.

:)

Sunday, November 25, 2012

Sino Ang Nagkamali?

Sa Pag-ibig, dalawang tao lang dapat. Isang lalaki, isang babae. Hindi kailanman pwedeng maging tatlo ang tao sa isang relasyon. Kapag may sumaling ikatlong tauhan sa pag-ibig, mag-iiba na ang istorya dyan.

Sabihin na nating ang mga characters ay si Boyfriend, si Girlfriend, at si ThirdPaty.

Isang araw, sinagot ni Girlfriend si Boyfriend. Sila ay nasa isang relasyon, relasyon ng pagmamahalan.
Sila ay masaya sa isa't isa, nagbubunga ng maganda ang pagsasama nila. Lagi silang magkasama, mahal ang isa't isa.

Hanggang sa dumating na si Third Party. Nag-iba ang pagsasama ni Girlfriend at Boyfriend. May halong alinlangan na. May halong pagkakalito. Hanggang sa naghiwalay si Boyfriend at Girlfriend at tagumpay si ThirdParty. Ayaw naman magkahiwalay ng magkarelasyon, ngunit bumitiw sila.

Sino ang nagkamali?

Si ThirdParty? Laging si ThirdParty ang sinisisi tuwing may problemang agawan sa isang relasyon. Oo, mali nga siyang mamasukan sa magkarelasyon, pero kung talagang nagmamahalan ang dalawa, magiging hadlang ba si ThirdParty? Si ThirdParty ay isang Challenge para sa isang relasyon, katunayan, kapag ang magkarelasyon nalagpasan ang Challenge na yan eh lalong tumitibay ang relasyon. May advantage si ThirdParty, hindi lang siya basta-basta problema sa relasyon. Ang bumitiw, mahina ang pagmamahal nila. Diba? Gayunpaman, hindi maganda ang maging ThirdParty. Wala naman gustong maging ThirdParty eh, ang gusto lang naman nila ay mahalin sila ng mahal nila. Pero, di pa rin maganda ang ThirdParty.

Si Boyfriend? Ang mga babae galit sa lalaki, manloloko daw. Manloloko, mga taong di daw tumupad sa pangako sa minamahal niya, yung hindi daw minahal ng wagas ang mahal niya. Oo, meron lalaking manloloko, pero hindi lahat. Oo, meron lalaking manloloko, pero meron ding babaeng manloloko. Si Boyfriend ay inakit lang ng Temptation ng isang Third Party. Natukso siya. Pero meron din mga lalaki na hindi natutukso sa Temptation. Ano ibig sabihin nun? Ang lalaki, hindi matutukso kung mahal na mahal niya ang babae. So, si Boyfriend, hindi sasama sa ThirdParty kung ginawa ni Girlfriend ang mga paraan na mas mahalin siya ni Boyfriend. Ang kasalanan ni Boyfriend ay nagkakamali siya ng pinipili.

Si Girlfriend? Kapag ang babae wagas magmahal, sigurado titino ang Lalaki. Isang hinahanap ng lalaki sa babae, ang katangiang taglay ng babae para hindi na siya kailangang humanap ng iba. Ganun dapat ang babae. Hindi lang lalaki ang nag-eeffort, babae din. Kahit gaano pa kagaling sa paglalandi si ThirdParty, kung si Girlfriend ay isang ideal Girl para mahalin ng lalaki, hinding hindi matutukso si Boyfriend. May pagkukulang si Girlfriend. Nagkamali din si Girlfriend dahil hinayaan niya pang magsama si Boyfriend at ThirdParty, ganun ba ang wagas na pagmamahal ng babae? Mali siya sa ginawa niya. Madalas sabihin ng babae: "Kung sa kanya ka masaya, ipapaubaya na kita." Si Girlfriend ang tunay na minahal ni Boyfriend, sumuko si Girlfriend. Ayun, tagumpay si ThirdParty. Sana inisip din ni Girlfriend kung nagawa ba niya ang dapat para sa relasyon nila ni Boyfriend. Kaso hindi. Nagkamali si Girlfriend.

Pare-parehong nagkamali. Kaso ang nangyayari, puro sisihan na lang ngayon. Madalas pang sisihin ang mga ThirdParty at Boyfriend, kala mo walang naging pagkukulang si Girlfriend.

Kung hindi man nag-workout ang relasyon niyo. Be thankful na lang na kagad na nangyari ang paghihiwalay. Dahil nahihiwalay kayo sa taong hindi talaga para sa iyo.

Kailangan na lang matuto sa pagkakamali.
Para hindi na muling magkamali.

Saturday, November 24, 2012

Nakakatuwa

Nakakatuwa.

Nakakatuwa kasi gusto ko lang magsulat.

Nakakatuwa kasi gusto ko lang magsulat, nagbahagi lang ako ng Halloween experience ko, daming naka-appreciate at madami nagbasa sa sinulat ko. Nakakatuwa talaga.

Hindi ko expect na ang isang sinulat ko, eh nabasa sa Chicago. USA at inilagay pa nila ito as Top Story sa kanilang website. Nakakatuwa. Para sakin Achievement to. Personal Achievement. Ang sakin lang ay may makabasa ng story ko about my Toddler Horror Experience, pero nafeature pa ito sa ibang bansa para madaming makabasa. Lalo akong sinipag at na-inspire para sumulat pa ng stories.

Heto po basahin niyo din:

http://paper.li/GreyMatterPress/1349385338#!stories

Or Find: Toddler Horror Experience
Here in my blog, posted October 27th :)

Thank You Readers! :))

Pasku

Nanu ba ing diwa ning Pasku?
Itang makatanggap kang regalu,
Makapantun kang atawu,
O ing pangabait ng Kristu?

Iisipan mu siguru ng atanggap mu
Oneng balu mung mamye la regalu
Lagi nang makanyan patse magpasku
Matwa na ka, nanu ng abiye mu?

Marimla ya ba ing pasku mo
Buri mu atin kang tawu keng Pasko
Laging atin lulugud keka aldoldo
Luluguran na kang Kristo.

Pasko ya ing pangabait ng Kristu
Mibait ing Diyos keng mundu
Ini ing diwa ning Paskung Kristiyanu
Ali ye sana paburen magbayu

Mas masanting nung mamye ka siguru
Kang Kristu mapali ya ing Pasku
Mayap a balita ing pangabait ng Kristu
Yan ing tune a Diwa ning Pasku.

Friday, November 16, 2012

MATA

Mata

Ang una nating maiisip sa salitang yan ay "isang bahagi ng katawan na ginagamit natin upang makakita."

Totoo naman, nabiyayaan tayo ng mga mata para makita natin ang kagandahan ng mundo, para makita ang paligid at mga pangyayari. Para makita natin ang mga tao na nakakasalamuha natin. Mata ang ginagamit natin para makita ang lahat ng bagay.

Pero meron din naman mga taong nagkaroon ng mata na may depekto, maaaring hindi nakakakita o "bulag" at meron din mga mata na lumabo na dahil sa abuso sa paggamit o sadyang lumabo lang.

Ako ay isa sa mayroong malabo ang paningin, siguro dahil nga sa pag-abuso ko nito. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko sa mata ko. Ako kasi yung tipo ng tao na mahilig mag-obserba. I like observing things that's happening around me, not to know everything but to know many things. May limitasyon pa rin ang dapat makita syempre, pero hangga't maaari ay mas magandang makita ang mga bagay bagay.

Tanong nila, bakit daw hindi ako magsalamin? Lagi akong tumatanggi, sinasabi ko eh ayaw ko ng walang dahilan. Pero dito, siguro magandang sabihin ko na. Una, ayaw kong may suot na salamin, hindi dahil sa nerd ang naiisip ng mga tao pero dahil ayoko lang may suot. Pangalawa, kahit papano, mas gusto ko na ang kalagayan ko kahit medyo nahihirapan ako. Kahit naman malabo ang paningin ko, madami pa rin ako makikita.

Malabo ang mga mata ko pero madami akong nakikita. Mas okay na kesa sa mga malinaw nga ang mata, bulag naman sa katotohanan.

Di ba? Meron mga tao na nagbubulagbulagan, meron din parang pipikit na lang sa mga ayaw makita. They have the means to see a clear view of things but still they can't see what's happening.

Eh ako, kahit medyo nahihirapan akong makita ang mga bagay bagay, ginagawa ko pa rin lahat para makita ang lahat ng pwede kong makita.

Figuratively, ang mata hindi lang ginagamit para makakita. Ang mata ay ginagamit din para maintindihan ang mundong ginagalawan. Kaya kung hindi mo gagamitan ang mata mo ng mabuti, parang bulag ka na din na walang nakikita.