Mata
Ang una nating maiisip sa salitang yan ay "isang bahagi ng katawan na ginagamit natin upang makakita."
Totoo naman, nabiyayaan tayo ng mga mata para makita natin ang kagandahan ng mundo, para makita ang paligid at mga pangyayari. Para makita natin ang mga tao na nakakasalamuha natin. Mata ang ginagamit natin para makita ang lahat ng bagay.
Pero meron din naman mga taong nagkaroon ng mata na may depekto, maaaring hindi nakakakita o "bulag" at meron din mga mata na lumabo na dahil sa abuso sa paggamit o sadyang lumabo lang.
Ako ay isa sa mayroong malabo ang paningin, siguro dahil nga sa pag-abuso ko nito. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko sa mata ko. Ako kasi yung tipo ng tao na mahilig mag-obserba. I like observing things that's happening around me, not to know everything but to know many things. May limitasyon pa rin ang dapat makita syempre, pero hangga't maaari ay mas magandang makita ang mga bagay bagay.
Tanong nila, bakit daw hindi ako magsalamin? Lagi akong tumatanggi, sinasabi ko eh ayaw ko ng walang dahilan. Pero dito, siguro magandang sabihin ko na. Una, ayaw kong may suot na salamin, hindi dahil sa nerd ang naiisip ng mga tao pero dahil ayoko lang may suot. Pangalawa, kahit papano, mas gusto ko na ang kalagayan ko kahit medyo nahihirapan ako. Kahit naman malabo ang paningin ko, madami pa rin ako makikita.
Malabo ang mga mata ko pero madami akong nakikita. Mas okay na kesa sa mga malinaw nga ang mata, bulag naman sa katotohanan.
Di ba? Meron mga tao na nagbubulagbulagan, meron din parang pipikit na lang sa mga ayaw makita. They have the means to see a clear view of things but still they can't see what's happening.
Eh ako, kahit medyo nahihirapan akong makita ang mga bagay bagay, ginagawa ko pa rin lahat para makita ang lahat ng pwede kong makita.
Figuratively, ang mata hindi lang ginagamit para makakita. Ang mata ay ginagamit din para maintindihan ang mundong ginagalawan. Kaya kung hindi mo gagamitan ang mata mo ng mabuti, parang bulag ka na din na walang nakikita.
No comments:
Post a Comment