Sunday, November 25, 2012

Sino Ang Nagkamali?

Sa Pag-ibig, dalawang tao lang dapat. Isang lalaki, isang babae. Hindi kailanman pwedeng maging tatlo ang tao sa isang relasyon. Kapag may sumaling ikatlong tauhan sa pag-ibig, mag-iiba na ang istorya dyan.

Sabihin na nating ang mga characters ay si Boyfriend, si Girlfriend, at si ThirdPaty.

Isang araw, sinagot ni Girlfriend si Boyfriend. Sila ay nasa isang relasyon, relasyon ng pagmamahalan.
Sila ay masaya sa isa't isa, nagbubunga ng maganda ang pagsasama nila. Lagi silang magkasama, mahal ang isa't isa.

Hanggang sa dumating na si Third Party. Nag-iba ang pagsasama ni Girlfriend at Boyfriend. May halong alinlangan na. May halong pagkakalito. Hanggang sa naghiwalay si Boyfriend at Girlfriend at tagumpay si ThirdParty. Ayaw naman magkahiwalay ng magkarelasyon, ngunit bumitiw sila.

Sino ang nagkamali?

Si ThirdParty? Laging si ThirdParty ang sinisisi tuwing may problemang agawan sa isang relasyon. Oo, mali nga siyang mamasukan sa magkarelasyon, pero kung talagang nagmamahalan ang dalawa, magiging hadlang ba si ThirdParty? Si ThirdParty ay isang Challenge para sa isang relasyon, katunayan, kapag ang magkarelasyon nalagpasan ang Challenge na yan eh lalong tumitibay ang relasyon. May advantage si ThirdParty, hindi lang siya basta-basta problema sa relasyon. Ang bumitiw, mahina ang pagmamahal nila. Diba? Gayunpaman, hindi maganda ang maging ThirdParty. Wala naman gustong maging ThirdParty eh, ang gusto lang naman nila ay mahalin sila ng mahal nila. Pero, di pa rin maganda ang ThirdParty.

Si Boyfriend? Ang mga babae galit sa lalaki, manloloko daw. Manloloko, mga taong di daw tumupad sa pangako sa minamahal niya, yung hindi daw minahal ng wagas ang mahal niya. Oo, meron lalaking manloloko, pero hindi lahat. Oo, meron lalaking manloloko, pero meron ding babaeng manloloko. Si Boyfriend ay inakit lang ng Temptation ng isang Third Party. Natukso siya. Pero meron din mga lalaki na hindi natutukso sa Temptation. Ano ibig sabihin nun? Ang lalaki, hindi matutukso kung mahal na mahal niya ang babae. So, si Boyfriend, hindi sasama sa ThirdParty kung ginawa ni Girlfriend ang mga paraan na mas mahalin siya ni Boyfriend. Ang kasalanan ni Boyfriend ay nagkakamali siya ng pinipili.

Si Girlfriend? Kapag ang babae wagas magmahal, sigurado titino ang Lalaki. Isang hinahanap ng lalaki sa babae, ang katangiang taglay ng babae para hindi na siya kailangang humanap ng iba. Ganun dapat ang babae. Hindi lang lalaki ang nag-eeffort, babae din. Kahit gaano pa kagaling sa paglalandi si ThirdParty, kung si Girlfriend ay isang ideal Girl para mahalin ng lalaki, hinding hindi matutukso si Boyfriend. May pagkukulang si Girlfriend. Nagkamali din si Girlfriend dahil hinayaan niya pang magsama si Boyfriend at ThirdParty, ganun ba ang wagas na pagmamahal ng babae? Mali siya sa ginawa niya. Madalas sabihin ng babae: "Kung sa kanya ka masaya, ipapaubaya na kita." Si Girlfriend ang tunay na minahal ni Boyfriend, sumuko si Girlfriend. Ayun, tagumpay si ThirdParty. Sana inisip din ni Girlfriend kung nagawa ba niya ang dapat para sa relasyon nila ni Boyfriend. Kaso hindi. Nagkamali si Girlfriend.

Pare-parehong nagkamali. Kaso ang nangyayari, puro sisihan na lang ngayon. Madalas pang sisihin ang mga ThirdParty at Boyfriend, kala mo walang naging pagkukulang si Girlfriend.

Kung hindi man nag-workout ang relasyon niyo. Be thankful na lang na kagad na nangyari ang paghihiwalay. Dahil nahihiwalay kayo sa taong hindi talaga para sa iyo.

Kailangan na lang matuto sa pagkakamali.
Para hindi na muling magkamali.

No comments: