Thursday, November 29, 2012

Simpleng Pamumuhay

Isang simpleng pamumuhay, iyon ang estado ng buhay na pinakagusto ko, kahit salat sa yaman ay nabubuhay naman ng maginhawa. Nakukuha ko man ang iilan sa mga gusto ko sa buhay, masaya naman akong namumuhay.

Simula nung mag-2nd Year College ako, ang araw-araw na routine ko ay napakasimple.

Gigising sa umaga > mag-aayos para sa pagpasok sa eskwela > magbibiyahe sa pagsakay sa Jeep > Magpupunta ng Simbahan para manalangin > Papasok sa eskwela > Mag-aaral > Dismissal > Diretso uwi sa bahay.

Napakasimple. Pero, kuntento ako sa pamumuhay na meron ako. Siguro, sinasabi ng iba na baka wala akong mga kaibigan dahil nga kagad akong umuuwi. Mali sila, dahil sa mga oras na nasa eskwela ako, sinusulit ko ang mga oras na kasama ko ang mga kaibigan ko. Simple lang, pero masaya naman.

Sa bahay, iilan lang mga ginagawa ko. Tumulong sa gawaing-bahay, mag-aral ng lessons na pinag-aralan, tulungan ang mga kapatid ko sa gawaing-eskwela nila, mag-internet maghapon at syempre matulog. Yun lang mga madalas kong ginagawa.

Sabi ko nga kanina eh nakukuha ko din ang iilan sa mga gusto ko. Nakakahawak ako ng pera, para sakin eh malaking halaga ng pera ang hawak ko. Iniipon ko lang lahat yan, dahil alam ko na dadating ang panahon na mangangailangan kami ng pera. Imbes na gastusin lahat, iipunin nalang. Bibili ako ng mga kailangan ko, at iilan na gusto ko. Pero mas madami ang naitatabi ko.

Sa halaga ng pera na hawak ko, pwede akong magliwaliw, bilhin lahat ng luho ko, o ubusin sa mga bagay na gusto ko. Pero hindi, mas pinapahalagahan ang ang kinabukasan ko kaysa sa kasulukuyang kagustuhan. Sa kabila ng lahat, simpleng buhay pa rin ang gusto ko.

Bakit ba? Bakit ba mas gusto kong maging simple?

Simple lang din ang sagot diyan. Dahil nabuhay ako sa simpleng pamumuhay, hindi porke umangat ang estado ng aming buhay, kailangan ko na din iangat ang sarili ko sa estadong iyon. Isa pa, kung pipiliin kong maging simple, kung sakaling maranasan ulit namin ang hirap ng buhay, hindi ako mahihirapan. Dahil sanay ako sa pamumuhay na mababa ang estado.

Sinubukan ko din naman maging masaya sa paggastos ng mga perang binibigay sakin at makuha ang mga materyal na bagay na gusto ko, pero, hindi ako masyado naging masaya. Hindi kasi ako materialistic na tao eh. Kaya pinagtutuunan ko ngayon ng pansin ang simpleng pamumuhay at maging mabuting tao sa kapwa tao.

Simple ang pamumuhay ko pero madami akong nagagawa at natutulungan. Kesa sa mga magagara ngang mamuhay, wala naman pakialam sa mga nangyayari sa paligid at sariling kagustuhan na lang ang iniisip.

:)

No comments: