Kung mahirap ka, pwede kang magnakaw upang maging masama, or maging simpleng tao na lang at maging mabuti. Kung mayaman ka, pwede kang maging gahaman upang maging masama, or maging mapagbigay at matulungin para maging mabuti. Mahirap ka man o mayaman, iba-iba ang pwedeng gawin sayo ng pera.
Dahil wise naman ako, hindi nakontrol ng pera ang utak ko.. Ako ang kumokontrol sa pera. Masasabi kong naging mabuting tao ako ng dahil sa pera.
Hindi ako mahirap, hindi din ako mayaman. Nasa katamtaman ang estado ng buhay namin. Nakakahawak din naman ako ng malaking halaga ng pera. Minsan, halos wala naman akong pambili sa tindahan.
Naaalala ko pa, noong Grade 3 ako, binigyan ako ng 88 Pesos ng Papa ko, lahat ng yan ay barya na galing sa bulsa ng pantalon ng tatay ko. Ang 88 Pesos na yan ay binigay niya noong Birthday ko. Yan lang ang pera niya sa bulsa ay binigay pa niya sa akin. Eh nasa estado kami ng kahirapan noon eh. Pero masayang masaya ako sa nangyaring iyon. Napatunayan lang kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko.
Isama pa natin noong 1st Year High School ako, binigay sakin ay 20 Pesos lang. Birthday ko noong bingyan ako ng 20 Pesos bilang baon ko. Samantalang 70 Pesos ang normal daily allowance ko. Masaya pa rin ako nung araw na yun. Dahil alam ko nahihirapan ang pamilya ko sa akin dahil nag-aaral ako sa isang Private School. Mahal ang binabayad nila sa tuition ko kahit pa may 5000 Pesos scholarship grant ako. Malaking halaga ng pera ang ibinabayad nila sa eskwela, kaya okay lang sa akin kahit magkano lang ibinigay nila sa mismong kaarawan ko.
Isang espesyal na araw yun sa akin, pero maliit na halaga lang ang binigay sa akin. Ganun ko naisip ang halaga ng pera. Hindi kailangan ng malaking halaga ng pera para maging masaya ako. Ang maliit na halaga ng pera ang nagbigay sakin ng realizations kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko. Ang perang binigay nila sa akin, binuksan nito ang kaisipan ko sa kabutihan ng mundo.
I learned to appreciate the things I have. I can't ask for more, I'm just letting the blessings flow into me.
Kung pipiliin ko ang isang magarang pamumuhay, siguro expect ko kapag birthday ko eh bigyan ako ng malaking halaga ng pera, yun ang expectations ko. At kung sakaling ang binigay sa akin eh 20Pesos lang, edi magagalit pa ko sa pamilya ko. Maghihingi pa ko kahit wala na silang pera. Baka hindi ko na maisip kung ano na ang naibigay nila sa akin na makapag-aral sa magandang paaralan.
Kaya pinili ko ang simpleng pamumuhay sa buhay ko. Simple lang, wala masyadong demands. Hinahayaan ko na lang na blessings and opportunities ang pumunta sa akin. Yan ang ugaling idinala sa akin ng Pera.
Simple akong mamuhay, mabuti din akong tao. Pera ang naging paraan para maging mabuting tao ako.
Isang ugali pa na dulot sa akin ng pera. Tiwala. Ang mga tao ay napagkakatiwalaan ako pagdating sa pera. Ang tatay ko pinapahawak ako ng napakalaking halaga ng pera. Sa klase, ginawa akong tagahawak ng pera ng klase. Hindi ako napagbibintangan tuwing nagkakawalaan ng pera.
Ang pagtitiwala pagdating sa pera ay mahirap para sa ibang tao. Pero ang mga tao may tiwala sa akin.
Pera ang dahilan kaya ang mga tao ay may tiwala sa akin pagdating sa pera.
Sana lahat ng tao ay alam kung paano gamitin ang pera. Tulad ko, naging mabuting tao ako. Sana ang buong mundo ay naiisip kung ano ang naiisip ko. :)
No comments:
Post a Comment