Ang Pagkain. Bow.
SPAGHETTI - kinikilala ng mga tao na isang putahe ito na niluluto sa mga handaan, kadalasang kinakain din natin sa iba't ibang lugar at kaganapan. Kinakain ito sa mga fastfood chains, or restaurants, pati sa mga bahay tuwing may handaan. Niluluto ito kapag may birthday, tuwing pasko o iba pang kaganapan.
Marami din iba't ibang recipe ang mga tao sa pagluluto ng Spaghetti. Natikman ko na ang Spaghetti na lutong Italian, American, at syempre lutong Pilipino. Napakaraming pwedeng variety sa pagluluto ng spaghetti.
Pero isang Spaghetti na tumatak sa akin ay ang Spaghetti na nilagyan ng Sardinas (canned good). Ang larawan sa ibaba ay kinunan ko noong nagluto ako ng Sardines Spaghetti. Hindi ko alam kung may iba nang nakadiskubre nito, pero ako ito ang niluluto ko. Honestly, ito lang alam kong lutuin, at kaya itong lutuin ng kahit sino dahil napakadali lang.
Ingredients:
175 grams Pasta Noodle
15 oz. Sardines (Canned Good)
Paano Lutuin:
Magpakulo ng tubig at lagyan ng kaunting cooking oil at asin.
Ilagay ang Pasta noodles na ginagamit sa Spaghetti.
Kapag malambot na ang noodles, alisin na ang tubig.
Ilagay ang Sardinas.
Haluin at pwede ng ihapag.
Makes 4-5 Servings.
Para sa mga hindi gaanong naeenjoy ang Spaghetti, maybe pwede niyo itong gawing alternative.
No comments:
Post a Comment