Thursday, September 13, 2012

Seasons of Love

Iba iba ang pag-iisip ng mga tao
Kaya sa pag-ibig ay di pareho
Kumbaga sa loob ng isang taon
Magkakaiba ang panahon

Mayroong nagmamahal ng wagas
Nagbabago naman sa taglagas
Yan ang mahilig magpa-Fall
Iiwan ka nalang after all.

Kahit gaano pa kainit ang pag-ibig
Minsan nanlalamig sa taglamig
Yan ang giniginaw ang puso
Maninigas parang yelo

Kapag nangibabaw ang ulo kaysa puso
Umpisa na yun ng tagtuyo
Nawawalan na ng tiwala
Pagmamahal ay nawawala

Dadating ang araw na hindi na sweet
Heto ang panahon ng Tag-init
Mainitin ang ulo, puro away
Sa huli ay makikipaghiwalay

Sayangin mo na ang isang taon
Wag lang ang isang pagkakataon
Wag mong isabay sa panahon
Ang paggawa mo ng mga desisyon

Ang mundo ay isang relasyon
Dagok ang pabago-bagong panahon
Kailangan sumabay sa ikot ng mundo
Hindi sa ikot ng isip ng tao


No comments: