Wednesday, September 5, 2012

Sumpaan


Narrator: Sa paaralan ng Holy Angel University, mayroong isang lalaki at isang babae na magkasintahan, sila ay malapit ng mag-graduate sa magkaibang kurso. Isang gabi, nagkaroon sila ng alitan at sa kabutihang palad, natapos ang kanilang alitan at nauwi sa isang sumpaan.

Ben: Jen, magkalayo lang tayo ng building, huwag mo naman isipin na may ibang babae na ako. Araw-araw naman hinahatid kita sa room niyo at sa gabi, hinahatid kita pauwi sa bahay niyo. Sa mga oras na nasa eskwela ako eh nag-aaral lang naman ako.

Jen: Oo, alam ko naman yan. Eh kasi naman nung minsan na magkasama tayo, nabasa ko sa INBOX mo, may nag-ILOVEYOU sayo.

Ben: Ah yun pala ang problema. Inaamin ko may nagtext sa akin nun, may gusto sakin yun eh. Nakita mo ba naman ba ang SENT ITEMS, hindi ko siya ine-entertain eh. Ikaw lang nga nasa SENT ITEMS ko eh.

Jen: Talaga? (Nag-isip) Sorry na hindi ko naisip yun. (Niyakap ang lalaki) Nagselos lang naman ako eh, ayaw kasi kitang mawala sa buhay ko, ikaw kasi ang mahal ko. I Love You.

Ben: I love you din. Alam mo, ikaw na ang gusto kong mapangasawa, sabay tayong mag-graduate, magkasama tayo maging successful, at..

Jen: Pakakasalan din kita. Sumpa ko, hindi tayo maghihiwalay.

Ben: Sinusumpa ko sa harap ng simbahan ng paaralan na ito, hindi kita iiwan. Sinusumpa ko.

Jen: Kinikilig naman ako. Tara, uwi na tayo.

Ben: Tara, ihahatid na kita sa bahay natin.

Narrator: Ang magkasintahan ay nag-graduate nga sa nasabing paaralan, si Ben ay nagpundar ng sariling negosyo na patuloy ang paglago. Ang kanyang kinikita sa kanyang trabaho ay inilalaan niya sa pinag-iipunang bahay at lupa. Dito niya balak manirahan kasama ang mapapangasawa. Sa kabilang banda, si Jen naman ay piniling magturo sa Holy Angel University, isa siyang college professor na nagtuturo tuwing hapon. Ang naipatayong negosyo ni Lalaki ay malapit sa Holy Angel University, sabay pa rin silang umuuwi tuwing gabi.

Jen: Parang hindi naman dito ang pauwi sa amin ah.

Ben: Narito na tayo Babe, heto na ang bahay na tutuluyan natin. (Sabay turo sa bahay) Dito tayo magsasama at bubuo ng pamilya.
Jen: (Napakasaya) Babe, totoo na ba to? Ang ganda! Nasorpresa ako! Naluluha na ko.. Wala naman sa plano natin ito eh. Tsaka bakit may tao sa loob?

Ben: Babe, wala nga ito sa plano natin, pero plano ko ito para sa atin. Syempre lahat ng lalaki gusto makasama sa bahay ang taong mahal nila. Tara, pasok tayo sa loob para maniwala ka.
Kapatid ni Ben: Ma, Pa, Tito, Tita, nandito na po sila Kuya at ang soon-to-be wife niya!

Pamilya: (Sinalubong ang magkasintahan) Oh, Babae, gulat ka no. Alam ko ang mga luhang iyan, Tears of Joy yan! Good luck sa inyo! Ito na ang umpisa ng pag-iisa ng ating pamilya.

Jen: Opo! Opo! Nasorpresa po ako. Di ko po inaasahan ito.

Nanay ni Jen: Anak, ganyan ka kamahal ng boyfriend mo, huwag mong bibigyan ng rason para iwan yan ah.
(Dumating ang lalaki)

Ben: Wala naman po akong balakna iwan siya.

Pamilya: Kain na tayo!

Narrator: Umupo na ang lahat, nakahapag na ang pagkain sa lamesa, at biglang..

Ben: Jen, maaari ka bang tumayo?

(Tumayo ang babae)

Ben: Talagang pinaghandaan ko ho ang pagsasalong ito, gusto ko pong malaman niyo na mahal na mahal ko si Jen! Pinapunta ko po kayo para sa sorpresang ito, pero, may isa pa akong sorpresa sa gabing ito, gusto kong sabihin sa inyong lahat na ang babaeng ito na nakatayo sa inyo harapan, ay ang babaeng pakakasalan ko!

(Nagbunyi ang lahat at natuwa sa narinig, ang babae naman ay lalong naluha sa sobrang saya)
(Lumuhod na si Lalaki)

Ben:  Babe, Will You Marry Me?

(Nag-iisip si Jen)

Tatay ni Jen: Anak, ayan na, huwag mo ng palampasin, pinapayagan na kita.

Jen: Oo, pakakasalan kita. (Tumayo ang lalaki at niyakap ng mahigpit ang babae)

Magkasintahan: Tara! Kain na tayo!

Narrator: Sila ay itinakdang ikasal sa simbahan, anim buwan pagkatapos ng kanilang pagsasalo. Ito na ngayon ang pinag-iipunan ni Ben, gusto niyang mabigyan ng magandang kasalan ang kanyang minamahal. Si Jen ay may naitabi na ding pera para sa kanilang dalawa, balak niyang dagdagan ito para maipangdagdag sa kanilang gaganaping kasal.

Puspusan sila sa paghahanda para sa kasal, pero kailangan pa rin nilang pumasok sa kanilang trabaho.
Si Ben ang boss sa kanyang negosyo, at, katulad ng iba’t ibang boss, meron din siyang secretary sa kanyang opisina. Ang secretary ay si Nica. Isang araw..

Nica: Boss, gabi na po, baka mapasobrang pagod mo niyan.

Ben: Ayos lang, inspired ako magtrabaho dahil sa nalalapit na kasal ko.

Nica: Boss, invited ba ako dyan? Ang sarap siguro ng ganyan, malapit na magkaasawa lalo na kung ikaw ang magiging asawa. Ang swerte ko siguro, boss, ayy, I mean, ang swerte ng mapapangasawa mo boss.

Boss: Aba syempre, oh oras na, huwag ka na magpagabi, uwi ka na.

Nica: Boss, dito muna ako okay lang? Kwentuhan muna tayo total, off duty na din naman.

Boss: Ikaw bahala.

Narrator: Nag-usap sila sa gabing iyon, at gabi-gabi ng nangyari iyon. Tuwing gabi ay nagkwekwentuhan
sila, kaya medyo ginagabi ng uwi si Ben. Si Jen ay matagal na naghihintay sa kanyang asawa sa oras g pag-uwi.

(Habang nasa kotse)

Jen: Babe, napansin ko, parang napapadalas ang pagiging late mo sa pagsundo sa akin ah. Masyado ka na yatang busy sa trabaho mo? Dati, hindi ka man dumadating ng late.

Ben: Oo, babe. Dami kong ginagawa lalo na sa gabi, lagi ko pang kausap yung... yung gusting mag-invest sa negosyo ko.

Jen: Baka naman iba ang kausap mo ah? *Laughs* Joke lang babe! Wag ka masyado magpapapagod ah, masama sa kalusugan mo yan.

Ben: Oo sige babe!

Narrator: Nakonsensya si Ben sa kanyang pagsisinungaling na kunwari’y investor ang kausap niya, ang secretary niya pala. Ngunit, sa mga sumunod na gabi, patuloy pa rin ang late night na pag-uusap nila at dumating na sa punto na minsa’y magkasama na silang kumakin sa fastfoods or restaurants. Sinasamantala naman ng secretary ang pagkakataon habang si Ben ay sinasabi kay Jen na may meeting siya sa trabaho.

Dumating na ang araw ng kasalan, lahat ay magkakasama na sa pinakamalaking simbahan sa kanilang lugar. Lahat ay nakabihis kulay pula, kulay ng pag-ibig.

At nag-umpisa na ang kasalan. Nakaupo na ang lahat ng bisita, unti-unti ng pumapasok ang mga special na tao sa kasalan. Si Ben ay nasa altar na, hinihintay na lamang ang pagdating ng kanyang sinisinta.
Heto na, naglalakad na sa gitna ng simbahan si Jen, napakaganda niya at bakas ang tuwa sa kanyang mukha. Si Ben ay atat ng makasama si Jen sa altar. Maya-maya’y iniabot ng ng ama ni Jen ang kamay ni Jen kay Ben. Dahan-daha’y papaakyat na sila sa altar, nilalasap ang bawat hakbang hanggang sa naabot na nila ang altar.

Inumpisahan na ng Pari ang seremonya, nagkantahan na ang choir at nanahimik ang mga bisita na tuwang-tuwa sa kanilang nakikita.

Father: Ben, tinatanggap mo ba si Jen bilang iyong kabiyak, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya?

Ben: Opo, Father.

Father: Ikaw Jen, tinatanggap mo ba si Ben bilang iyong kabiyak, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya?

Jen: Opo, Father.

Father: Sa basbas ng Panginoon, kayo ngayon ay iisa na bilang mag-asawa! You may now kiss the bride.

Hinalikan nila ang isa’t isa, ito ang pinakaunang halik nila sa labi, inabot pa sila ng dalawang minuto.

Narrator: Pagkatapos ng kasal ay tumuloy na sila sa reception. Nandun din si Nica na tila kinikuha ang atensyon ni Ben sa pag-eentertain ng bisita.

Nang matapos ang reception ay umuwi na sa kanilang tahanan sila Ben at Jen. Sa kalagitnaan ng gabi ay kanila ng bubuuin ang kanilang pamilya.

Matapos ang ilang buwan, tila hindi lumalaki ang tiyan ni Jen, sa katunayan ay nangayayat pa ito. Dinala na ni Ben si Jen sa ospital para ipa-checkup, ang doktora ay kanyang kaibigan.

Ben: Dok, mare, ipapacheck-up ko ho itong asawa ko. Parang may problema ho yata sa kalusugan niya, siya na bahala magpaliwanag sa inyo.
Dok: Osige, ditto ka muna ha, mag-uusap lang kami sa loob ng kwarto para sa iilang health check-ups.

(Pumasok na)

Dok: Ikaw pala ang asawa ng kaibigan ko, so, anong problema? Wag mong sabihing..

Jen: Palagay ko ay tama ang hinala mo, doktora. Ilang buwan na nung ginawa naming iyon, pero hindi pa lumalaki ang tiyan ko. Dok, dok..

Dok: Hindi kayo makabuo ng anak? Problema nga ito, ditto at gawin natin ang mga check-up.

(Matapos ang ilang oras, natapos ang mga check-up at mayroon ng resulta)

Dok: Mare, sorry to say, pero may problema nga ang iyong reproductive system, hindi kayo makakabuo ng asawa mo.

 Jen: *Cries*

(Narinig ni Ben at biglang pumasok ng kwarto)

Ben: Anong nangyari?

Jen: Ben, I’m sorry! *Cries*

Ben: Ah, so ganun na nga.. Huwag kang mag-alala Jen, asawa mo pa rin ako, hindi kita iiwan. Mahirap ito, pero kailangan natin tanggapin.

Jen: Madaming Salamat Ben! I love you!

Ben: I love you! Tahan na, wag ka ng umiyak. Uwi na tayo.

Narrator: Kunwari na lang ay hindi dinadamdam ni Ben na hindi na sila magkakaanak. Habang nasa kumpanya si Ben ay walang humpay niya itong iniisip. Nakita ni Nica na malungkot si Ben, kaya’t nakipagkwentuhan siya muli sa kanyang boss pagkatapos ng working duty.

Nica: Boss, pansin ko sa mga nakalipas na araw eh malungkot ka, an’yare?

Boss: Ah, wala to. Private problem lang.

Nica: Boss naman, oo nasa trabaho tayo. Pero secretary mo ko, kailangan kong malaman ang kalagayan mo para sa mga appointments mo. Isa pa para malaman ko ang mood mo bilang boss ko.

Boss: Salamat ah. Kasi naman eh, hindi pa lumalaki ang tiyan ng asawa ko. Gusto ko magkaroon kami ng anak. Lahat ng mag-asawa, gusto magkaanak. Kaso nga lang, kami, hindi na mabibiyayaan.

Nica: Ayy, pasensya boss, ganyan pala kapribado ang iniisip mo.

Boss: ayos lang yun, ayos nga ito at nailalabas ko ang sama ng loob ko.

Nica: Boss, baka naman gusto mo uminom? Para makapagrelax ka naman. Para makabawi ka naman ng konti sa asawa mo, try mo mag-good time ng hindi niya nalalaman.

Boss: Siguro nga, kailangan ko muna alisin ang sama ng loob ko. Saan ba magandang magrelax? Sama natin ang ibang employees na nandyan pa.

Nica: Basta may inuman po boss, teka lang po, tingnan ko kung may employee pa sa labas.

(Patakbong lumabas ng pinto, ilang sandal lang ay nakabalik na)

Nica: Boss, mukhang wala ng ibang tao maliban sa guard, hindi naman niya maiwan itong building.

Boss: Ah ganon ba, sayang, natawagan ko na ang asawa ko eh, sinabi ko pa man din ay may meeting pa ko. Tawagan ko na lang yata ulit, sabihin ko nacancel na.

Nica: Ay, boss, huwag na. Sasamahan na lang kita, para mawala ang sama ng iyong loob.

Boss: Tayo lang dalawa, hmm.. Osige, pero wag na tayong magtatagal ah. Let’s go in the car.

Nica: Tara Boss! (Sabay kapit bisig sa boss)

(Inalis ni Ben ang bisig ni Nica sa bisig niya)

Narrator: Nasa Bar na sila na malapit sa sikat na Aling Lucing Sisig Carinderia. Doon sila huminto at nag-inuman. Habang umiinom ay nagkwentuhan din sila.

Nica: Alam mo boss, ako pangarap ko din ang magkaanak. Yun nga lang eh, wala lang ako oras humanap ng partner na makakasama, dahil pagod din ako sa trabaho at madalang lag lumabas para magrelax. Buti nga at tinanggap niyo ang alok ko, gusto ko kasi talagang magrelax eh.

Ben: Dapat nga eh ako pa magpasalamat sayo, tinutulungan mo ko mawala ang iniisip kong problema. Sana nga eh tuluyan ko ng matanggap na hindi na kami magkakaanak.

Nica: Boss, mukhang lasing ka na, hindi ka na makakapagmaneho niyan.

Ben: Kaya ko pa, wag mo ko intindihin. (Lasing na kung makapagsalita)

Nica: Hindi mo na kaya boss, buti pa eh dalhin na lang kita sa hotel at dun ka na tumuloy. Medyo tinamaan na nga din ako eh.

Ben: *Di na nakasagot at nakatulog na*

Narrator: Tumawag ng tricycle si Nica, nagpahatid sila papuntang hotel upang dun na magpalipas ng gabi. Magkasama sila sa iisang kwarto. Pareho silang lasing, hindi na alam ang ginagawa. Hanggang sa nagsiping na sila sa kama, at gagawa na ng isang Kasalanan.

Sa kabilang banda, nag-aalala naman si Jen dahil hindi pa umuuwi ang asawa nito. Nasa kutob na niya ang isang karumal-dumal na pangyayari, kahit alam niyang hindi iyon magagawa ni Ben.

Pagsapit ng Umaga..
Nagising si Ben..

Ben: Hah! Bat ako nandito, anong nangyari? Bat ikaw ang kasama kong natulog?!

Nica: Boss, ang naaalala kop o kagabi ay lasing na kayo at inihatid ko kayo ditto. Nagulat nga din po ako ngayon at nandito tayo eh. Naunahan niyo lang ako ng sigaw.

Ben: Kailangan kong magbihis, nag-aalala na ang asawa ko. Uuwi Na ko, absent ako today, cancel all appointments!

Nica: Eh paano naman po ako? Pagkatapos ng nangyaring ito, ganun na lang? Paano ang bills dito.

(Tumakbo ang boss palabas ng pinto)

Nica: Boss, boss!

Narrator: Madali din nagbihis si Nica at binayaran ang bills ng hotel sa account ng kumpanya ng boss niya.

Samantala, nagmamadaling umuwi si Ben para puntahan ang kanyang asawa dahil alam niyang nag-aalala na ito. Nagpark ang kotse sa daan, nagmadali itong pumasok ng bahay.

Ben: Jen, Jen, nasaan ka? Bat wala ka ditto sa kwarto, nasa restroom ka ba? Naliligo ka na ba? (Bigla iyang may narinig na pasigaw na tumatawag sa kanya)

Jen: Ben! Ben! Nandito ako sa Kusina! Alam ko pagod ka, naghanda na ako ng almusal para sa atin!

(Niyakap ni Ben si Jen ng napakahigpit, lalo na’t mag-isang natulog sa bahay si Jen kagabi)

Jen: Ano bang nangyayari sayo? Parang ilang buwan tayong hindi nagkita ah, para kang nagising sa isang malagim na panaginip.

Ben: Wala lang Jen, masaya lang akong makita ka. Nakatulog ka ba kagabi? Kumain ka ba?

Jen: Oo naman, Babe! Namiss ko ang tawagan natin.

Ben: I love you Babe!

Jen: I love you, kaen na tayo Babe!

Nagsimba ang mag-asawa sa araw na iyon, kapwa sila hindi pumasok sa kanilang trabaho. Nagconfess si Ben sa Pari bago sila umuwi. Napahaba ang usapan nila ni Father kaya't napatagal din siya sa pagdadasal. At nang matapos ay umuwi na ang dalawa.

Habang nasa sasakyan..

Jen: Ben, parang may kakaiba sa iyo ngayon?

Ben: Ah? Bakit? Sa totoo lang, may kakaiba nga.

Jen: Ang tagal kasi ng confession mo kanina eh. May problema ba?

Ben: Huwag ka magagalit ah? Kagabi kasi nagsinungaling ako sa iyo. Wala talaga akong meeting. Nag-good time lang ako.

Jen: Ah, okay lang iyon. Alam ko gusto mong magpahinga sa sobrang trabaho. Wag mo ko problemahin, wala sakin yon.

(Inihinto muna ang pagmamaneho)

Ben: Hindi naman yon ang problema eh. Kasi kasama na nakainuman ko eh ang secretary ko, at nasa iisang hotel kami natulog kagabi.

Jen: Hahhhhhh?!!!!!

Ben: Let me finish, ipapaliwanag ko lahat sa iyo ang nangyari, I should fix this. I know hindi dapat nangyari iyon. Let me proceed, kagabi kasi eh lasing na daw ako at wala na ako sa katinuan. Hangad lang naman daw niya eh ang maging ligtas ako. Kaya niya ako dinala sa hotel. Eh katulad ko, lasing din siya. Kaya wala na kaming alam sa mga kasunod na nangyari. I can’t see it intentional naman, inamin naman niya ang nangyari sa akin eh.

Jen, sinasabi ko ito sayo dahil ayokong maglihim sayo, gusto kong maintindihan mo ang side ko, and whatever decision you come up to, tatanggapin ko. Pero, gusto kong malaman mo, mahal na mahal kita! Kaninang umaga, pagkagising ko ay ikaw na ang hinahanap ko.

Jen: Thank you. Naappreciate ko. Masaya ako at magkakaanak ka na. Naiintindihan kita, gusto ko panagutan mo iyon kung magkaanak ka man sa kanya. Lahat ng babae gusto din magkaanak, at gusto ng mga abbae na lumaki ang kanilang mga anak na mayroong kinikilalang ama.

Ben: I love you babe, ikaw ang mahal ko. Pananagutan ko siya. Pero hindi kita iiwan. Hindi anak ang makakapagdikta kung sino ang dapat kong mahalin. Ikaw pa rin ang pakikisamahan ko habang-buhay, hanggang sa tayo’y mamatay.

After a month or two, ipapacheck-up ko siya, wala pang resulta, hindi naman siguro mabubuo ang bata lalo na’t lasing kami, malamang ay hindi naming nagawa ng tama iyon. Pananagutan ko siya.

Jen: Mahal Kita, Ben. Uwi na tayo.

Ben: Di ka galit?

Jen: Trust me, hindi ako galit. Selos lang, pero hindi aabot sa hihialayan kita, tutumbasan ko ang pagmamahal mo para sa akin.

(Nakangiting nagmaneho muli si Ben)

Pagkaraan ng dalawang buwan..

Ang resulta ng Pregnancy Text ay positive, dinala ni Nica ang anak nila ni Ben. Ngunit, umalis ito sa kumpanya. Ibinigay ni Ben ang sapat na pera sa Maternity, retiring fee, at ang pananagutan niya ay sapat na. Sinabi ni Ben na kung mangailangan siya ay wag na siyang mahiya sa kumpanya.

Lumipas ang walong taon, isang sanggol ang dinala ni Nica sa kumpanya. Dinala niya ito diretso kay Ben, ipinabuhat niya ang bata sa ama nito. Taimtim na nag-usap ang dalawa.

Ben: Ito na ba ang anak ko?

Nica: Oo, may karapatan ka sa kanya. Mayroon ng nagpropose sa akin para ikasal, gusto ko sana ay ibigay sa mapapangasawa ko ang sarili ko, iiwanan ko na lang ang nakalipas ko para maging patas sa mahal ko.

Ben: Anong ibig mong mangyari?

Nica: Ikaw na ang mag-alaga sa anak natin, kasama ang asawa mo. Sa inyo na ang bata, sana ay alagaan niyo siya. Sana’y alagaan ng iyong asawa at tratuhin niyang tunay ninyong anak. Maaari pa akong magkaanak. Hindi ko balak na sirain ang relasyon niyo, hangad ko ang kaligayahan niyo at alam ko kung gaano mo siya kamahal. So, Boss, hanggang ditto na lang ako, aalis na ko, hinihintay ako ng future husband ko sa labas eh.

Ben: Heto ang tseke, maraming salamat ditto sa biyayang ibinigay mo sa amin.

Nica: Huwag na, gaya ng sabi mo, isang biyaya iyan, hindi ako naghahangad ng kapalit. Ang pareng ibinigay mo sa akin ay ginamit ko para sa kalusugan niya ditto sa sinapupunan ko.
Ben: Madaming Madaming Salamat! Hngad ko din ang kaligayahan mo.

Nica: Thanks, Boss!

Ben: Call Me Ben.

Nica: Okay, Ben!

Narrator: Ben went home to tell the news to his wife although he is not sure if his wife will treat it as a good, or a bad news.

Ben: I’m home! Jen, where are you?

Jen: I’m here! Oh, who’s that child? Your child?

Ben: Our child.  Dinala siya ni Nica, yung secretary ko noon, para manatili ang sanggol na ito sa atin. Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa kalagayan mo nung gabing nag-inuman kami. Pero hindi iyon ang motive niya para gawin yun..

Jen: Stop explaining!

Jen: Tanggapin na lang natin ang sanggol gaya ng pagtanggap sa isang blessing, bigay ito sa atin ng Panginoon. Maraming salamat sa mga nangyari, ngayon ay may anak na tayong maituturing na parte n gating pamilya.

(Jen carries the baby, so glad she has a baby to take care now)

Narrator: The baby was baptized with them as the legal parents. Nung gabi sa araw din na iyon, nagpunta ang pamilya sa simbahan ng Holy Angel University. Kanilang inalala ang sumpaan na kanilang ginawa noong nasa kolehiyo pa sila. Napakatamis ng kanilang ngiti habang sinasabi nila ang kanilang sumpaan.

Ben: Nakakatuwang isipin na ang sumpaan natin ay nagkatotoo noh? Hindi pa nga buo ang sinabi ko sa sumpaan natin noon eh, tapusin ko na ah?

Ben: Alam mo, ikaw na ang gusto kong mapangasawa, sabay tayong mag-graduate, magkasama tayo maging successful, titira tayo sa sariling bahay, haharapin ang mga problema ng magkasama, at bubuo tayo ng isang pamilya, hindi na tayo maghihiwalay hanggang sa tayo’y lumisan. Sumpa man.





No comments: