Ang sarap sa feeling! Alam mo yung, after years or months, mababasa mo ulit ang mga sinulat mo. Dito sa blog ko nakapost ang karamihan sa mga nasulat ko, karamihan dahil hindi lahat eh nailagay ko dito sa kadahilanang nawala na.
Masarap magsulat! Isa sa pinakagusto ko ay isulat ang mga nilalaman ng isip ko, mga nararanasan ko, mga bagay na gusto kong bigyan ng pansin, at mga bagay na kahit hindi naman mahalaga eh binibigyan ko ng halaga. In logic, you put into terms the ideas in mind. Simple lang ang dahilan ko, dahil alam ko ay ikatutuwa ko ito balang araw.
Blogger ako, nilalagay ko ang gusto kong i-post, parang compilations ng mga bagay na naisulat ko. Wala naman bawal dito eh, sulat mo ang gusto mo. Ako kasi, pati mga bagay na hindi naman dapat bigyan ng pansin, papansiin ko. Kahit hindi mahalaga, pinapahalagahan ko. Kahit simple lang siya, gagawin ko siyang maganda. Lalong lalo na, kung isang espesyal na bagay yan sa buhay ko, aba! Yan ang gustong gusto kong sinusulat!
Karamihan sa mga posts ko, tungkol sa love. Ang mga karanasan ko sa pag-ibig, sinusulat ko. Maging masaya man o malungkot ang pag-ibig, isusulat ko. Bakit? Kasi bawat karanasan ko, isang mahalagang parte ng buhay ko. Ang pag-ibig ay isang napakasarap na pakiramdam, gagawin kang masaya niyan kahit kakaiba na ang mga nangyayari sa paligid. Maghiwalay man sa huli, hindi pa rin mawawala ang alaala at pagsasamahan.
"Isusulat ko ang love story ko, dahil masaya ako eh. Anumang ikasasaya ko ay isusulat ko. Syempre pasasalamat ko din sa kanya, hindi ko man banggitin ang pangalan niya, alam ko siya ang nasa istorya."
May mga araw na pagod ako, nahihirapan sa pag-aaral at binabagsakan ng problema. Minsan, babasahin ko ang mga posts ko, lalong lalo na yung mga matagal o luma na. Parang gumagaan ang pakiramdam ko. Madalas, ang reaction ko, "Nasulat ko pala ito?" "Di ko alam naisip ko ang bagay na to."
"Yung feeling na... Blogger ka. Babasahin mo ang sariling karanasan mo, malalaman mo kung gaano na kalaki ang pinagbago mo mula nung mga panahon na naisulat mo yun. Yung after ng karanasan na yun, nagbago ka sa ikabubuti mo. Masarap sa feeling!"
Tatlong taon na akong blogger, sana ay umabot pa ako ng marami pang taon. Malamang tatagal ako sa blogging, para mas madami pa akong maisulat na tungkol sa buhay ko.
.
No comments:
Post a Comment